May panahong pabugso-busgo ang musa sa pagsulat.
Kung minsan katatamaran mong magsulat hindi dahil walang maisusulat, tinatamad ka lang.
Kapag pinilit mo naman, parang ispagheti ang kabuuhan ng sulat mo, madalas ganoon,
kaya kapag inabot ka ng pananamlay sa pagsulat, parang gusto mo na munang magpahinga.
Wala akong kasagutan kung bakit kung minsan wala kang ganang magsulat,
basta parang dumarating na lang ito na parang walang paghahanda,
gusto ko bang hinid magsulat gayong, e, dito ako nahahasa sa aking wika o lengguwahe?
Kahit nga ngayon habang tinitipa ko ang kibord antok na antok akong magsulat,
wala talagang pumapasok sa isip ko, parang gusto kong matulog,
parang wala talaga ako sa hulog, masakit pa ulo, masakiti pa bulsa!
Iyon lang, kung ano ang maisulat, heto na iyon, wala na magbabago,
wala naman talagang laman isip ko, e, ganito na muna sa ngayon,
habang baka bukas ay ayos na utak ko, malay ko rin kung ayos na utak ko bukas!
Hugot hininga muna ng malalim, kita mo wala talagang laman ang pagsulat na ito,
at paulit-ulit ko na lang sinasabi ito, sana lang di ka manawa, paulit-ulit, e.
Ewan, batong-bato na ako, bakit ba ganito, buti hindi ako tuluyang naging bato,
kung hindi baka naging totoong bato na ako!
Kahit nga ginamit kong litrato, inaantok at mukhang pagod,
hayan, o, ang lalim ng iniisip, ewan katulad ko rin ba siyang nag-iisip?
Pambihira! Bakit ba ganito, parang patang-pata ako, para akong tumakbo,
ni hindi naman ako nag-jogging, nakaubo lang naman ako sa trabaho!
Tama na! Tama na ang pananamlay sa pagsulat, baka lalong tamarin ang magbabasa!