Parang batang ulila sa magulang,
tunganga sa daan, nagpapalimos,
walang matitirhan, walang makakain,
nanlilimos sa daan, parang taong-grasa,
habang ang mundo ay umiikot.
Habang ang mundo ay umiikot,
hilong hilo naman ang batang ito sa gutom,
naroon lang minsan sa tabi ng restawran,
sa tabi ng iba pang establisimiento, tambay,
baka naman sakaling amutan siya ng pera o pagkain.
habang nagkakagulo ang ating mga pulitko sa kapangyarihan!
Tunganga akong nakatingin sa langit,
hablot ang luha kong walang paklit!