Sasakyan, sasakyan, maraming sasakyan,
Halos silang lahat sa akin ay dumadaan,
Rumaragasang tricycle, bus at mayroong van,
Do'oy mayroon ding car si patrol man.
Wala akong magawa kundi ang yumuko,
Upang biyahe nyo ay hindi mapako,
Sa haba ng linya abot hanggang dulo,
Seguradong kayo ay mahihilo.
Serbisyong pampubliko ang hatid ko sa inyo,
Maging responsible sa pagmamaneho,
Nang sa ganoon buhay nyo ay hindi mamiligro,
At ng makapag patuloy sa pamamasahero.
Huwag magsiksikan bagkus magbigayan,
Disiplina lng ang ating kailangan,
Respeto sa isa't-isa dapat lang na ibigay,
Upang ang kalsada sa inyo ay magpugay.