Mayroon akong iniingatan na lumang larawan
Kuha pa ito sa isang lumang simbahan
Ang katabi ko pari at ninang kong mapag dasal
Nandirito rin ang nanay kong mapag mahal.
Bakas ko pa ngayon sa lumang larawan
Ang pagka relihiyoso ay di napaparam
Sa bawat karakter na dito'y nakakaalam
Nang totoong kuwento sa kupas na larawan.
Nalalaman nyo ba ang tunay na pag sinta
Naghihintay sa bahay ang mga bisita
Dahil sa pagdating ng anghel na bata
Siya ang dahilan bakit lahat ay nataranta.
Ano nga ba ang dahilan, tanong sa aking isipan?
Ngayon ay alam ko na at ang buong katotohanan
Binyag pala ito ng batang minamahal
Upang siya'y maging kristiyano at mag lingkod sa Maykapal.
Galing ito sa totoong buhay.
Sana ay magustuhan nyo mga ka steemit!
Love, Iyam 💕