Napakahinhin mo ko, oh aking sinta
Bawat kilos mo parang kinukwenta
Napakaelegante mo kahit walang ginagawa
Magsalita ka lang, puso ko na'y nagwawala.
Ano bang meron dyan sa iyong ngiti?
Na para bang natutulala ako at walang masabi
Ngitian mo lang lahat, wag ako pwede?
Pasensya na, baka di na ako makapagtimpi
Isa kang prinsesa, alam yan ng lahat
Iyon ay halata na at di na ipapagkalat.
Kaya handa akong paglingkuran ka nang tapat
Maibigay ang lahat ng kailangan mo nang higit pa sa sapat
Wala man akong palasyo na sa iyo'y mabibigay.
Mahal naman kita nang wagas at tunay.
Pag-ibig ko sayo ay walang makakapantay
Ibibigay ko lahat maging itong aking buhay
Puso ko ay ang iyong kaharian,
Sana ito ay alagaan at wag pabayaan
Narito naman ako para ika'y paglingkuran.
Aking prinsesa, ito ay iyo magpakailanman.
Ibang Akdang Tulang Filipino: