"Ako'y Nabihag Mo"
Nung nakita ko ang mapungay mong mata
Doon palang alam kong alam ko na.
May ibang hiwagang bumabalot sayo
Hiwagang dahilan kaya nahalina ako.
Mata mo'y kaakit-akit tingnan
Ako'y napapatingala sa kalangitan.
Akinh saya'y hindi kayang magpaliwanag
At kahit siyensia ma'y hindi kayang ipaliwanag.
"Ako'y nabihag Mo", O aking sinta
Dahil sa mapupungay mong mga mata.
Ugali mo pa'y sobrang napakadalisay
Mapagmahal at napakatunay.
Kapag kasama ka'y napakagaan
Ng puso kong labis kang hinahangaan.
Nahulog na nga, yan ang napagtanto ko
Sa tulad mong hahabulin ng mga maginoo.
Kamay mo'y aking hahawakan
At dadalhin kita sa kalawakan.
Magiging saksi sila sa'ting pagmamahalan
Ngayon, bukas, at magpakailanman.
Maraming Salamat! (Thank you for Reading!)
Nawa'y ikaw ay naaliw sa aking ginawang tula. Kung meron ka mang nga katanungan, reaksyon, komento o opinyon sa naturang tula, wag mag atubiling magkomento sa post na ito.