"Ang Pag-unlad ng Cebu"
Komunidad namin ay napakaaktibo
Sa lahat ng mga aktibidad napakaganado.
Lahat ng mga tao'y nagtutulungan
Sabay ang pagakyat, nagbabayanihan.
Ang mga tao lahat ay nagkakabuklod
Kumikilos, tumutulong, at sumusunod.
Mga pagkikita'y hindi minimintis
Ganyan ang Cebu, hindi naman sa pagmamalabis.
May pangarap ang lahat sa plataporma
Nagpupursigi para sa kanilang karera.
"Ang Pag-unlad ng Cebu" ay kitang-kita
Dahil ang lahat ay nangagarap kumita.
Ang sekreto ng pag-unlad ng Cebu ay ito
Tunay at dalisay ang mga nangugulo
Kapakanan ng bawat isa ang nasa ulo
Ganyan ang mentalidad ng mga Cebuano.
Sa mga taga Cebu tayo'y magtulungan
Sabay sabay tayong umunlad kaibigan.
Sumali sa aming mga aktibidad
Maglaan ng oras para sa komunidad.
Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)
Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.