"May Pag-asa Ba Talaga Ako Sayo?"
Ang hirap mo naman ibigin
Ang sarap mo nang tirisin
Kahit anong iyong naisin
Binibigay ko para lang mapansin
Kahit nahihirapa'y kumakapit
Sa pag-asang mahirap ang sinapit
Na maging tayo at ika'y maangkin
At ipakikilala ko saking mga pamangkin
Ganun ba kabato ang puso mo
Nagmamahal sayo'y pinapahirapan mo
Puso ko naman ay matino
Sa tulad mong mapagbiro
May pag-asa ba talaga ako sayo?
O ako lang ba'y pinaglalaruan mo?
Sabihin mo nalang sana ng deretsahan
Nang sa ganun iba'y mapuntahan
Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)
Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.
Photocredit : 1 2