"Pagmamalabis Ba?
Sa isang munting bayan
Na pinili na ako'y lumisan
Hindi ko na pa matandaan
Kung paano ako namuhay ng walang alinlangan
Nang ako ay minsan na bumisita
Mga mata nila ay tila ba nanghuhusga
Kung bakit ang paglayo ay aking pinili
Sapagkat pwede naman talaga akong manatili
Lumayo at pangarap ay binuo
Piniling lahat ay isakripisyo
Upang makamit ang inaasam na tagumpay
Na minsan lang dumadating sa ating buhay
Nag-aral kahit na ako'y nagtrabaho
Pinilit ang sarili na masadlak sa mundong totoo
Upang ako'y masanay at mabuhay
Upang sa pagbalik ko, dala ko na ang tagumpay
Kaya sana, huwag akong husgahan
Sapagkat, pangarap ko ay gustong makamtam
Hindi lamang ito ay para sa akin
Pero para din sa buong sumusuporta sa aking mga mithiin
Minsan, pagkamit ay kalabisan sa iba
Pero para sa mga taong naniniwala,
Suporta nila ay 'di mapapawi ng mga paghuhusga
Ang pangarapin ang lahat, ito'y pagmamalabis ba?
Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)
Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.
Narito rin ang aking Tulang Pilipino (Na may Hugot) :
and Here are my English Poetries
Hanggang sa Muli
Photocredits : 1*