Kagalakan ang naramdaman ni Juan at Alberto,
Nang makita nilang matayog na ang itinanim nilang puno.
Pagod at pagmamahal ang kanilang ipinusta,
Matikman lang ang hindi pa natitikmang bunga.
Bagaman bakal ang kanilang paniniwala,
Pader naman ang kanilang pag-asa.
Pader na maaring matibag,
Sapagkat ang isang puno, malago man ngunit huwad.
Ipinaubaya nila sa panahon ang kasagutan,
Dahil ang bugtong ng estranghero ay nanatiling palaisipan,
Hitik nga ang dalawa sa kaalaman gaya ng kanilang pakiwari,
Ngunit sa misteryosong bukas, saan kaya ang lahat mauuwi?
Ibinuhos nila ang lahat hanggang sa ang lahat ay hindi na sapat.
Mangyaring magbunga ang puno ng tunay na nakakaalam,
Ang tamis naman nito’y para sa lahat ng may pakialam.
Image Credit: Pixabay
November 7, 2017
by Jazzel W.