Bulong Nang Paminta
A Spoken Word Poetry Piece
Akdang Tula #4 orihinal na akda ni
Bawal ba ang magmahal ng isang tulad mo?
Bawal bang maging bahagi ka ng mundo ko?
Bakit nga ba bawal na magmahalan tayo?
Ou nga pala, ikaw at ako lalaki tayo pareho
Sa mundong hindi tanggap ang pagmamahalan nating dalawa
Bakit kaya di nalang tayo gumawa ang sariling mundo sinta
Ako ang hari at ikaw na lalaki ang prinsipe na ituturi kong parang reyna
Pagsisilbihan mula ulo hanggang paa
Oh diba ? Grabi ang ngiti at saya,hawak ko parati ang kamay mo walang taong nanghuhusga
Mahahalikan kita sa kahit saang sulok o sa kahit ano mang banda
Walang kilay na tataas at walang matang didilat na sing liwanag ng bumbilya dahil sa mali ang nakikita nila
Walang taong magagalit walang bungangang puputak putak na sasaway sa ating dalawa
Maglalakad tayong naka akbay habang nagkukwentuhan sa ating storya na panghabang buhay
Maghaharutan sa daan walang tatawa dahil ito ay ating kaharian ang sa sasaway ay tiyak aking ipapapatay
Ipapatawag sa ating kaharian pupugutan nang ulo o kayay ibibitay
Ipapakain sa buwaya, ipapatapon sa malayong lugar o ipapatuka sa agila na parang maliit na palay
Kay sarap siguro nang buhay natin mahal noh?
Kung tanggap tayo ng mapanghusgang mundo
Kung pagmamahalan natin ay hindi mali sa mata nang tao
Sana'y maintindihan nila na nagmamahalan lang naman tayo
Sana, sa pamamagitan ng maikling pasisiwalat ko nang aking nararamdaman
Mamulat ang mata nang taong bayan
Pagtanggap at pagrespeto ang tanging aking iniasam, ou yun lang naman
Pasensya na, lalaki man kami pareha, nagmahal lang po ng lubusan
Hello steemians! I am back!
For more poetry and travel blogs, dont forget to
UPVOTE | RESTEEM | FOLLOW