Kapatid Ko Mahal Ko Kayo
AkdangTula #2
Call center sa gabi, estudyante sa umaga
Tumatayong ilaw ng tahanan at padre de pamilya
Sa murang edad para na rin akong nag asawa
Mismong mga kapatid ko ay naging anak ko na
Simula ng pumanaw si nanay at si tatay
Kumakayod buong araw katawan ay lupaypay
Di baleng tulog koy kulang at di matiwasay
Kapatid koy mabigyan ko lang nang magandang buhay
Sa gabi sinasagot ang bawat tawag sa telepono
Sa umaga naman pagsusulit sa eskwala ang sinasagot ko
Ang pagka antok ay mababakas mo sa mukha ko
Pero hinding hindi mo makikita ang imahe ng pagsuko
Simula ng silay mawala ipaningako ko sa kanila
Magpapatuloy ng pag aaruga sa boung pamilya
Pitong kapatid ay paaaralin at ako ang susuporta
At nang kinabukasan at buhay nilay gumanda
Ou tao ako, napapagud rin at hindi perpekto
Pero hanggat kaya ng katawan at isip ko
Itataguyod ko ang pamilyang ito
Mga kapatid ko mahal na mahal ko kayo
Ang tulang ito ay tungkol sa sobrang pagmamahal ng lalaking panganay sa kanyang kapatid. Nagtatrabaho sa gabi nag aaral sa umaga para lang matustusan ang pangangailangan sa buhay.
Maraming salamat sa pagbabasa nawa'y na gustohan niyo ang Akdang tula ko. Ito po si .
UPVOTE | RESTEEM | FOLLOW