Kung Ano Ang Puno
Siya Rin Ang Bunga
AkdangTula #1
Siyam na buwan sa iyong sinapupunan
Paglabas koy araw-araw mong inaalagaan
Sa bahay, sa paaralan at kahit saan man
Ikaw ay laging na diyan hindi ako iniwan
Pagmamahal mong walang kapantay
Labis kitang iniidolo aking inay
Pag aaruga mong walang katumbas
Sintamis ng pulang-pulang mansanas
At hindi namalayan ang panahon at ikaw ay tumanda
Hayaan mong ako naman sayo ang mag-alaga
Hindi ko man mapapantay ang klase nang iyong pag aaruga
Pagsisikapan kong makita ang matamis na ngiti sa iyong mukha
Kaya ngayon, umupo kalang diyan at magpahinga
Pagmasdan kung ano ang aking magagawa
Hindi ako magmamajic o magmamaniubra
Ipapakita ko lang ang bunga ng iyong labis na pag-aaruga
Alam kong hindi ko mapapantayan ang loob mo na kay ganda
Hindi ko mapapantayn ang bait na nababahagi mo sa iba
Sana'y darating ang araw na akoy matutulad sayo ina
Umaasa sa sinasabi nilang,kung ano ang puno yun din ang bunga
UPVOTE | RESTEEM | FOLLOW