AKO AY NARITO DAHIL SAYO
Gaano man kalawak ang kalawakan
Gaano man kalapad ang karagatan
Gaano man kalinaw ang tubig sa batisan
At gaano man kaganda ang mga halaman
Gaano man kaganda ang bulaklak sa parang
Gaano man kasaya ang mga ibong nagsisiliparan
Gaano man kayabong ang mga punong pweding pagsilungan
Ng mga hayop sa kagubatan
Kung iyong pagmasdan ang mga bituin sa kalangitan
Tila nang-aakit sa mata’y lalong kumikinang
Pati bahagharing kulay ay iba-iba
Sa buhay mo ay may dalang ginhawa
Pagkaing masarap ay lagging nalalasap
Sa hapag kainan , nakatiwang-wang sa busog at sarap
Tubig namalamig at kung minsan ay may kulay
Na nakakagana raw sa pagkaing maumay
Magarang kasuotan ay laging suot
Sa mga tao ay di siya nililimot
Dahil mayaman, buhay ay di masalimuot
Sa lahat ng biyaya sa kanya ay umabot
Subalit sa lahat nang nararanasan
Ay tila kulang parin ang pakiramdam
Tanging luho lamang ang nagingibabaw
Ng mga tao, sa kayamanan niya ay uhaw
Kaya ako ay narito, dahil sayo
Sapagkat alam ko, ako ang kulang sa buhay mo
Sa mga katanungang nais mo ng kasagutan
Kaya ako ay narito,upang malaman mo
Narito hindi dahil sa malawak na kalawakan
Hindi rin dahil sa malapad na karagatan
Hindi dahil sa malinaw na batisan
At lalong hindi sa magagandang halaman
Narito ako hindi dahil sa mga bulaklak sa parang
Hindi rin dahil sa sa mga ibong masayang nagliliparan
Hindi dahil sa mayabong puno sa kagubatan
At lalong hindi sa mga bituing kumikinan
Alam mo ba kung bakit ako narito?
Tanong ko lamang kong alam mo
Ngunit alam ko nah indo mo masasagot kaya sasabihin ko
Ako ay narito dahil sayo
Pagmamahal ang dahilan ng pagparito ko
Batid kong hanggang ngayon butas ang puso mo
Sa mga karanasang hindi maiwaglit ng isipan
Kaya hayaan mo sanang tulongan kita sa lahat ng suliranin mo
Image Source : http://www.pexels.com
And also guys please follow and continue to support us our voting witness!
Write: and other witnesses
https://steemit.com/~witnesses