Pipikit akong nakangiti
Habang ang nasa isip ko'y ngiti mo sa iyong mga labi
Matutulog akong masaya
Dahil ngayong gabi'y nakasama kita
Sa paggising ko sa pagsikat ng araw
Panigurado'y saya ang mangingibabaw
Sapagkat ikaw ay muling makikita at masisilayan
At ang palad mo'y muling mahahawakan at mahahalikan
Hindi ko alam kung anong mayroon sa'yo
At nagagawa mong pawiin lahat ng lungkot at pag-aalinlangan ko
Sa bawat sandaling kasama kita
Puro saya at ligaya lamang ang nadarama
Kung kaya ko lamang ang oras ay pigilan
Gagawin ko upang buong gabi'y ika'y mahagkan
'Di ko nanaising mawalay ka sa akin
Kung nakatakda, buong buhay kitang mamahalin