SALITA
original poetry
Kompleto na ang araw ko,
Makita lang kitang masaya,
Masaya na rin ako,
Mga mata mo na kumikislap,
Binibigyang kulay ang buhay kong masaklap,
Hawak-hawak ang iyong mga kamay,
At naglalakad ng sabay-sabay,
Sa ilalim ng naglulubog na araw,
Napakasaya pala na ikaw ay makasama,
Iba ka sa mga babaeng nakilala ko,
Kasi sa paningin ko ikaw ay isang diwata,
Mahal na mahal kita o aking munting prinsesa.
Ito nga pala ang mga salitang binitawan mo,
Mga salitang napaniwala mo ako na naging tayo,
Mga salitang nagbibigay ilaw sa madilim kong mundo,
Ang mga salitang nagpapatibok sa patay kong puso,
Mga salita mong masarap pakinggan,
Nagbibigay lakas pag ako'y may pinagdadaanan.
Akala ko nga ito na ang totoo,
Pero pinapaikot mo lang pala ako,
Paulit-ulit na niloloko,
Pero heto nanaman ako,
Di nakikinig sa mga salita ng utak ko,
Hinahayaan nalang ang tanga kong puso,
Na mahalin ang isang lalaking katulad mo,
O, mahal kong babaero.