Magandang kahapon
Kay sarap balik-balikan
Mga alaala na baun-baon
Nang aking kabataan
Mag-aral ng mabuti
Yan ang payo ni inay
Sa eskwela’y wag pahuhuli
Pag-aaral ay aking pinaghusay
Pag-uwi ng bahay
Tatapusin agad ang gawaing bahay
Upang makagawa ng takdang-aralin
Na aking pagbubutihin
Sa hapon nama’y makikipaglaro
Ng mga larong aking paborito
Tsaynis-garter, piko at patintero
At maging panlalaking laro
Lahat ay sinusubukan
Sa hamon ay walang inuurungan
Matapang at palaban
Yan ang aking kabataan
Larawan mula sa Google