Hindi na ko magtataka
Kung bakit ganyan ka magsalita
Bawat salitang iyong inuutas
Ang sakit ay wala ng lunas
Matalim na dila
Masasakit na salita
Sa puso’y sumusugat
Ang lahat ay sinusumbat
Bawat salitang bibitiwan
Siguraduhin ito’y may katotohanan
Sapagkat di na mababawi
Ang sakit ay di na mapapawi
Sa puso ay uukit
Mapupuno ka ng galit
Ngunit mas pinili
Katamikan ang ihalili
Ipagpasa-Diyos na lang
Ang kanyang bungangang halang
Pagkat di tumatanggap ng pangaral
Ang taong wala na ngang aral,
Wala pang asal...
Maraming salamat po sa pagbabasa!
Ang larawan po ay mula sa Google