Tanging Hiling
Araw-araw na kulitan
Gabi-gabing lambingan at kwentuhan
Mga sandaling puno ng pagmamahalan
Ngayon? Bahagi nalang ng ating nakaraan
Masakit talagang isipin
Na tayo pala'y magwawakas
Mahirap talagang tanggapin
Sapagkat kala ko para tayong mga sintas
Na kahit malayo ang dulo
Tayo parin ay magtatagpo
Sumpaang "Ikaw lang at Ako"
Isa lang gumuho na pangako
Miss na miss na kita
Tipong ikaw lang nasa isipan sa tuwina
Pagnakapikit, mukha mo aking nakikita
Sa panaginip, magkahawak ang mga kamay nating dalawa
Kaya please hiling ko na sana
Bumalik ka na sa'kin
Kung pakikinggan ito ni tadhana
Di na talaga kita sasayangin
Ibalik ang dati
Ay ang tangi kong hiling
Mga labi'y magdidikit muli
At araw-araw kang makakapiling
Maraming salamat po sa pagbabasa. 😊
👋✌