"T.A.N.G.A."
Alam kong ang tanga tanga ko na
Kahit na walang pag-asa
Patuloy pa ring umaasa
Na baka bukas o sa makalawa tayo na
Iniibig kita
Iniibig mo siya
At ang iniibig niya ay iba
Para tayong daga na nakabuntot sa itsa't-isa
Mapasaya ka lang ang hinahangad ko
Kahit busy sa thesis, oras ko'y ibibigay sayo
Sa isang text mo lang
Ako'y andyan na sa tabi mo
Ewan ko ba, pag nakikita ka ako'y sumasaya
Tumitibok ang dibdib ng sobrang bilis
Halos di maigalaw ang katawan sa sobrang kaba
Pagkausap ka ako'y natatamimi talaga
Bawat kisap ng iyong mga mata ako'y parang nakalutang sa ulap
Ang iyong mga ngiti na nakakabighani
Sa bawat bigkas ng mga labi mo parang tumitigil ang ikot ng mundo
At ang bukod tanging iniisip ko lang ay ang sana piliin mo ako
Akala ko talaga may tayo na
Dahil sa mga pinapakita mo at pinapadama
Pero akala ko lang pala
Dahil mas pinipili mo pa rin ay ang ibigin siya