Sa halos lahat ng laba'y
Tila laging natatalo.
Pilit na lumalaban, pero,
Sa huli, nasasaktan lalo.
Pilit ipinaglalaban ang bukas,
Na wala namang kasiguraduhan.
Pilit na hinahanap ang lunas,
Na maghihilom sa sugat ng nakaraan.
Bakit ba gano'n?
Ba't ba ayaw nating bumitiw?
Nasaktan na noon,
Pero, pangarap ay di pa rin nagmamaliw.
Ito'y laging nananatili,
Ano man ang mangyari.
Pinapaalala sa sarili,
Na walang di maaari.
Kaya wag kang bumitaw,
Kapit ka lang lagi,
Asahang iyong matatanaw,
Minimithing bahaghari.
Kaya mo yan.. :)
Tiwala lang.
Lagi siyang andyan,
Pray ka lang. ^^~
Alam kong nakakapagod na,
Pero wag kang sumuko.
Fighting! 😊
Thank you for taking your time to read! Hope you enjoyed reading it! ^^~ God Bless!
Xoxo, Tomo-desu (/ _)/~~