Tadhana'y sadyang mapaglaro,
Ano ba talaga ang dahilan,
Kung ba't tayo pinagtagpo?
Ang magmahal ulit?
O tapusin na ang lahat?
Ang makapag-usap saglit?
O di kaya'y makapagtapat?
Nang damdaming,
Matagal nang itinatago.
Nang hinaing,
Na buong buhay na 'di nagbabago.
Mahal pa rin kita, oo.
Pero sawa na akong masaktan.
Sinira mo aking tiwala't puso,
Ngayo'y wala na'kong maramdaman.
Ikalawa, ikatlo't, pang-apat,
Binigyan kita ng pagkakataon.
Pero tila 'di sapat,
Yun ay sinayang mo't itinapon.
"Kapalit palit ba ako?"
Katagang paulit ulit na tumatakbo sa isip ko.
Feeling ko tuloy,
Puno ng drama ang buhay ko.
Pero tama na,
Ayoko nang umiyak.
Ito'y ating tapusin na,
Nang mga puso'y 'di na tuluyan pang mawasak.
</3
Let's all move on from our past and linger no longer. For there are things that can't be changed no matter how much we cry. It will just hurt you more. It may be hard... But what can we do?
None... 'Cause it's not like life has a reset botton.
Thank you for dropping by! :)
Xoxo, Tomo-desu (/_)/