Ang mga ngiti mong kasing ganda ng bulaklak, tinitiis ang bawat malalaking patak, patak ng problema na ibinabagsak, galing sa ulan at bagyong makapangwasak.
Pasensya na sa dalang ambon, na ang patak ay tila tubig sa talon, at ang hampas ay kasing lakas ng alon, inaalis ang mga talulot mo at dahon.
Aking sinta kung ikaw ay nahihirapan na, pwede kang mag iba ng ruta, isama mo ang bulaklak ng saya, upang ikaw ay siyang lumigaya.
Bagamat gusto ko lang sabihin sayo, na masaya akong umabot tayo sa ika labing-pito, kahit ang dala ng tadhana ay malakas na bagyo, nananatiling matatag ang bulaklak na hawak mo.
-orihinal kung tula
Keep Rhyming πΆπ