Sa loob ng klase ako ay tahimik,
sa pagkat ni isa'y wala pang lumapit.
Nang ika'y pumasok sa silid aralan,
sa akin lumapit naupo sa tabing upuan.
Dahil sa kapwa tayong baguhan,
tayoy nagkasundo naging magkaibigan.
Mga araw nagdaan di namamalayan,
tayo'y naging pasaway sa silid aralan.
Natatawa akong balikan ng tayoy magkasama,
sa pag- aaral natin may hirap at saya.
Sa loob ng klase nagkukwentuhan,
habang ang guro nasa harapan.
Tandang- tanda ko pa nong tayo'y napagalitan,
pinalabas sa klase napaaga ang uwian.
Mga ka klaseng pasaway nagtitinginan,
sinundan tayo ng tingin hanggang sa pintuan.
Dahil sa nangyari naging aral sa atin,
sa loob ng klase hindi na sawayin.
Nagdaan ang araw, linggo, at buwan,
pagtatapos ng highschool heto na pala.
Thank you for visiting my post...