Mag-ingat ka itay sa iyong paglalabay,
pangingibang bansa sa amin ika'y mawalay.
Sayong pag-alis may halong lungkot at saya,
saksi ang luha sa ating mga mata.
Sinakripisyo mo ang mawalay sa amin,
sapagkat magandang kinabukasan ang nais para sa amin.
Init, lungkot,at hirap iyong tiniis,
dahil sa kami ay mahal mong labis.
Sa pag-aaral kami ay makatapos,
matupad lang pangarap mo na tanging nais.
Malayo man ang iyong pinaroroonan,
ni saglit di mo kami nakalimutan.
Lahat ng iyong sakripisyo ama,
sisikapin namin na di mabaliwala.
Sa bawat pawis ng yong pagsisikap ama,
Susuklian namin ng pagmamahal at diploma.
Thank you for visiting my post...