“BARKADA”
Pinagtagpo tagpo nang di inaasahan
Nagkagaanan ng loob mula nang kami’y magkakwentuhan
Hinaing ng bawat isa, agad naming naintindihan
Hangga’t sinimulan ang samahang pangmatagalan
Di man kami magkakaparehas ng ama’t ina
Magkakapatid pa rin ang turing sa isa’t isa
Turingan na tila wala ng makakapagpatumba
Sa samahang pinagtibay na ng dekada
May mga oras na kami’y nagpipisikalan
Ordinaryong pangyayari sa isang samahan
Magsusuntukan ng walang dahilan
At sa bandang huli kami nama’y magtatawanan
Hindi lahat ng oras kami’y nakatawa
Lalu na’t kung isa sa ami’y may problema
Balikat naming lahat ay nagkakaisa
Sa kapatid naming may lungkot na nadarama
Lahat ay nagsisilbing tangkay
Pinipilit palakasin kahit minsan ito’y hindi matibay
Basta kapit lang at kami’y di mawawalay
Pangako namin hangga’t sa kami’y mamatay
Samahang punong puno ng kalokohan
Hatid nito’y walang katulad na kasiyahan
Di man kami lagi nagkakakitaan
Kung kailangan ng sandalan, agad naming pupuntahan
Hangga't ang araw ay dumating
Lahat ay nanlulumo sa balitang naiparating
Sana ang araw na iyun ay nagsisinungaling
Sana hindi totoo ang tanging hiling
Ito ang naglaro sa aking isipan
Habang unti unti kong nakikita ang kadiliman
Alam ko naman yan ang inyong mararamdaman
Kapag maiparating ang sinapit kong biglaan
Sa ngayon, kayo na ay aking uunahan
Mga buloy, sana ako’y inyong maintindihan
Bago ko ipikit ang aking mata, nais ko kayong pasalamatan
Aantayin ko kayo sa kabilang mundo ng walang hangganan.
Salamat sa pagbasa.