REALISASYON
Dahilan ng aking mga ngiti
Kausap hangga’t hating gabi
Boses lang ang gustong marinig
Na mayroong gustong ipahiwatig
Di mapakali pag ikaw ang kaharap
Nabibihag sa mga mata mong kumikislap
Araw araw lalu akong napapamahal
Hinihiling na ang oras ay bumagal
Pangakong handang maghintay
Pagmamahal na ibibigay ng tunay
Sabihan mo lang na ako ay iyong mahal
Paninindigan ko tayo ay magtatagal
Ngunit aking napagtanto
Kailangan ko ng tigilan ito
Dahil sa isang realisasyon
Na may iba kang karelasyon