Bumubulong sa hangin
Ikaw sana’y mahagkan
Gaano man kalayo
Gaano man kahirap
Ito’y aking ipaglalaban
Kinakausap ang alapaap
Tumitingala sa mga tala
Hinihiling na tayo ang itadhana
Pinipikit ang mata
Mukha mo ang nakikita
Makikislap na mata
Mapupulang labi
Kay tamis na ngiti
Kay gandang binibini
Sa aking dalangin
Ikaw sana’y mapasa akin
Sa tamang oras
Sa tamang tyempo
Magiging tama ang mali
Magiging pwede ang hindi
Walang alinlangan
Totoong may kasiguraduhan
Pagkat mahal kita, sobra
At wala ng makakapigil pa