Isang munting tula para sa'yo sinta,
Na sa buhay ko'y nag bigay sigla,
Na sa puso ko'y nag bigay galak at saya,
Oo ikaw yon wala ng iba.
Sa boses mo ako'y nanabik,
Araw araw nais na ito'y marinig,
Sa iyong tawa na nakakadala,
Kahit na ako'y nag tatampo napapangiti na lang bigla.
Mga araw ay walang kasing saya,
Sa tuwing kapiling kita,
Pagmamahalang walang hanggan,
Araw araw nais kang mahagkan.
Ngunit dumating ang araw ng katapusan,
Ng ating pagmamahalan,
Mata'y naiwang luhaan,
Puso'y naiwang sugatan.
Ang akala'y ikaw na ang pang habang buhay na makakasama,
Akala'y ikaw na sakin ang palaging mag papasaya,
Akala'y ikaw na at wala ng iba,
Lahat pala ng iyon ay akin lang akala.
Hirap man tangapin,
Lahat ng sakit ay aking titiisin,
Na ngayon ay wala kana saking piling,
Dahil siguro hindi ka talaga para sakin.
Mananatili ka saking alaala,
Hinding hindi ka malilimutan,
Maging maligaya ka sana,