PUSO KO AY MULING TUMIBOK
Ako ay naglakbay palayo sa'yo
Dahil akala ko, ako'y niloko mo
Ngunit ngayon, aking naintindhihan
Ako pala'y hindi kailanman nawalan
Hinabol mo ako at sinuyong muli
Umaasa na tayo ay hindi pa huli
Muli mong pinatibok ang puso ko
At ako'y pilit mong sinuyo
Heto naman si ako, nagdadalawang isip
Baka ito ay isa lang masayang panaginip
Dahan-dahang kinurot aking pisngi
Aray! Ako'y biglang napangisi
Ito'y hindi panaginip, ito'y totoo
Narinig ko mula sa labi mo na ako'y mahal mo
Ganunpaman, ako'y hindi nakakasiguro
Patunayan mo muna, mga salitang binitawan mo
I decided to make a Filipino Poetry series to promote my language in this platform, but don't worry.. I'll be translating them as soon as I can so my international viewers can also enjoy it. Thank you so much for your continuous support.
As for the photo I used above, it was sent to me by this person.. lol I just covered his face for privacy.. Thank you!
Thanks a lot for dropping by!
それではまた~
Love lots,