By
Iyak ang tanging inaabangan,
Iyak na isang palatandaan,
Iyak na nababalot ng kasiyahan.
Mga tanaw mong napakagaan,
Mga ngiti na hindi maaayawan,
Napakahirap iwanan ng panandalian.
Sanggol na tanging pinaka iingatan,
Pagod ay walang pakialam,
Pagkalinga ibinuhos ito’y kailangan.
Bungad ng isang anghel nakakasilaw,
Tanggal lahat ng aking pangamba,
Biyayang wagas na kahangahanga.