AKLAT
Karunungan, minulat,
Handog para sa lahat,
Kahit sa pera'y salat.
Ngunit teknolohiya,
Sa lahat, minumutya,
Ako ay napabaya,
At laging kinukutya.
Ako ay binabasa,
Tuwing may ninanasa,
Paano bibihasa?
Ako'y walang pag-asa.
Ako'y tinatapon lang,
Anong silbing nilalang,
Ano bang aking utang,
Pagbayarang madalang.
Lahat ng mga pasakit,
Ako'y namimilipit,
Saan ang malasakit,
Ng tao ako'y ipit.
Aruga nasaan ka?
Init mo'y tinarangka,
Ibigay ang halaga,
Sa aking may pag-asa.
Tanaga