Ang buhay ng tao ay parang gulong
Madalas dala nitoy hilong talilong
Minsan malaya minsan nakakulong
May pagkakataong kailangan ng tulong
Sa umagang maririnig ang tilaok ng manok
Ikay babangon kahit andiyan pa ang antok
Mga bagong opportunidad sayoy kakatok
Haharapin mo na muli kayraming pagsubok
Nariyan din ang iba't ibang uri ng tao
May makakaaway , di makakasundo
Makakasalamuha at may makikilala
Magiging kaibigan siyang makakasama
Meron din namang sadyang mapanghusga
Na para bang alam ang tunay na istorya
Ngunit nandiyan pa rin ang mga mabubuti
Sa panahon ng kagipitan iyong kakampi
Sa araw araw na puno ng karanasan
Mga paghihirap ay hindi maiiwasan
Pero ang mga tao sadyang maparaan
Gagawin lahat anu mang pagdaanan
Kahit Anu pa man ang ating suungin
Lahat ng itoy dapat nating kayanin
Nang ang tagumpay ay ating kamtin
Huwag makalimot sa Diyos manalangin
Thanks for reading!
Kindly continue supporting who has been very helpful
vote him as witness by going to https://steemit.com/~witnesses
Let us also take part in spreading and supporting #teardrops #untalented and #untalented-adjustments
Also our very own , a very kind person and inspiration to everyone.
vote him as witness by going to https://steemit.com/~witnesses
I'm a member of the #gratefulvibes community
You may join us on our discord channel :