Who wouldn’t love the sunset? Ang kulay kahel na nakalangitan at ang dilim na nagsisimulang bumalot sa kapaligiran. Niyakap ko ang sarili ko habang pinagmasmasdan ito. Ramdam ko ang pagihip ng hangin, at patuloy na lamang sa pag iisip habang nasa rooftop.
“Kay ganda, hindi ba?” niyakap niya ako mula sa sa aking likuran.
“Sobrang ganda. Pero nakakalungkot, mawawala na siya mamaya.” nakanguso kong sagot habang pinagmamasdan ito.
“Mawawala man, babalik at babalik din siya.” sagot ni Ivan, ang taong mahal na mahal ko.
Our relationship are both legal to our parents. They love and support us. His parents treat me as their own daugther, ganon din naman ang pamilya ko kay Ivan.
“Ellise, you know how much I love you, right?”
Nakaupo kaming pareho sa buhanginan, at hinahayaang mabasa ang parehong mga paa. Nakasandal ako sa balikat niya pero dahil sa tanong niya, tinignan ko siya sa mata at ngumiti.
“Oo, lagi mong pinaparamdam, Ivan. Walang dahilan para mag alinlangan. Pinatunayan mo yan sakin.“
“Thank you. I'm just happy because you love me back.” he said and smiled at me.
Hindi ako naniniwala sa love ar first sight. War at first sight, pwede pa dahil dun kami nagsimula ni Ivan.
Lagi ko siyang nakikita noong nasa sa school at lagi din kaming nagkakainitan ng ulo tuwing nagakakasama kaming umuwi. Nautusan siya ng papa niya na ihatid sundo ako, bilang pasasalamat daw kay mama dahil sa tulong niya, ewan ko kung ano yun. Sa madaling salita, lagi kaming magkasama tuwing hapon.
“Ang tagal tagal mo! Late na ako sa practice mamaya.” pagrereklamo niya habang nakahawak sa manobela.
“Kasalanan ko bang naghintay ka? Eh pwede naman akong mag tricycle kung gustuhin ko!”
“Sinabi mo sana at nakauwi pa ako ng maaga!”
“Aba? Hindi ako tumatanggi sa grasya! Eh kung may driver naman palang isang tulad mo, why not?”
Natatawa ako habang inaalala ang mga panahong iyon. Pareho kaming isip bata, pero natuto din.
Siya ang unang nahulog. I was thinking about war in between us but he was thinking in love.
“Ikaw kasi, inaaway na nga kita noon, tuwang tuwa ka pa. At nagagalit na nga ako noon, mas masaya ka pa.”
He chuckled,
“Nagseselos ka noon kaya ka nagagalit sa akin. At inaaway mo ako dahil gusto mong pinapansin kita.”
Bigla naman akong namula at napanguso sa sinabi niya.
Sinapak ko siya sa braso “Hmm, h-hindi ah!”
Nagtaas lang siya ng kilay kitang kita kong nangingiti siya. Napangiti nalang ako.
“What matter is, I always love you. Diba?”
Nakakahawa ang ngiti niya, at dahil mabilis kung mamula ang kamatis kong pisnge, buking na akong kinikilig.
He kissed my forehead and smiled again.
“Tara na, bukas ulit natin panoorin ang paglubog ng araw.”
Lagi namin ‘iyong ginagawa. Mula noong nagkakilala kami, ang panonood ng sunset ang isang dahilan kung bakit hindi kami laging nag aaway. At nakakatuwa dahil hanggang ngayon, ginagawa parin namin ito ng magkasama.
“Sabi sayo, babalik din yan bukas.” tinutukoy niya ang sunset.
“Oo, babalik din. But I just want to take a picture of it. Alam mo na, ibat iba ang kulay at view nila.”
“Okay, let me take it for you.” aniya at inilahad ko naman ang camera. “Smile, I want you to have a picture with each sunset we watch from now on.”
“Yes! Salamat. But I want both of us to see in the picture!”
At mula nang araw na iyon, lagi kaming may picture kapag nanonood ng sunset.
Everyday with him is special day.
My phone is keep on ringing, but my mind is busy for thinking.
Tears pooled in my eyes while remembering those days, weeks, months and years we shared together. All I wanted is to be with him. And now...
“Ellise, anak okay na. Bumababa ka na riyan.”
I slowly walked down from the rooftop of our beach house to the ground floor.
I smiled as I slowly walked on the carpet in between of the crowds. Peoples are watching me as I slowly went infront of the man I love the most.
Ivan...
My tears again pooled in my eyes, as I see him in his black tuxedo, and black slacks. I watch all of him while he is peacefully lying in his white coffin.
Mugto ang mata, napaupo at napahagulgol ako sa nakikita ko. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang nawala siya.
He died after battling with his heart disease.
Hindi ko kaya Ivan, bumangon ka na diyan. Paki usap.
“I-ivan...“ my voice cracked as I'm calling his name without him answering it.
Patuloy ang paglandas ng aking mga luha at ang iyak na kanina ko pa pinipigalan ngunit hindi ko kaya. Hindi!
Ganon pala kasakit ang paglubog ng araw, dahil kasabay ng paglubog nito, ay ang pagkawala niya sa tabi ko.
Ivan, Ikaw ang pinakamasakit na sunset sa buhay ko, dahil kahit alam kong babalik ka, sa alaala nalang tayo magkikita.
Mahal na mahal kita. Rest now, My Love.
| Title: | Our After Sunset |
|---|---|
| Author: | |
| Date Published: | 01.29.22 |
| Country: | Philippines |