Magandang buhay sa inyong lahat. Nais kong magpasalamat dahil kahit bago pa lang ang radyoserye at talaga namang bunga lang ng aming kajologan sa buhay ay tinanggap niyo pa rin at in-appreciate.
Na realize ko na may point naman siya. Parang maganda ngang mapakinggan ang dalawang magkaibang boses sa iisang audio lang at para marinig rin namin ang ginituang boses ninyo kasi di naman lahat nagsasalita pag may mga voice chat o talkshow diba. So ganito ang parang naisip kong magiging format niya, yung sender obviously ilalathala niya ang kanyang liham para sa akin sa Steemit account niya. At ito yung twist, kailangan rin niyang mag record ng audio na kung saan nakapaloob dito ang nilalaman ng liham niya. As in yung buong katawan ng liham lang mismo. At ako naman bilang ako yong DJ (Char dhai kinareer hahaha) natural ako ang bahala sa pambungad at pati na rin sa advices tapos yung sender ay maaaring mag request ng kanta na sa palagay niya ay babagay dun sa liham niya pero kung wala naman ay OK lang. Ako na ang bahalang maghanap :)
PAANO?
Ang malaking tanong ay kung "paano?" Ganito, matapos niyong i-record ang audio pwede niyo itong i-send sa akin sa Gmail account ko at ako na ang mag m-merge ng lahat. So kung may balak kayong mag guest sa radyoserye at makipag collab sa akin ay maaari niyo akong i-message sa discord #9672 at dun natin pag usapan :)
Yan lang naman ang suhestiyon ko pero kung may mas maganda kayong ideya ay ipaalam niyo lang sa akin at handa akong makinig. At siya nga pala ang liham na inyong gagawin ay maaaring fiction lang pero mas maganda sana kung hango sa totoong buhay hehehe. Yan lamang ho at muli maraming salamat. :)
P.S. Pero bago ang collab tatapusin ko muna ang mga naka tengga kong radyoserye at kailangan ko pang i-record ang sulat na gawa ni sis
na noong nakaraang linggo niya pa hinihintay hehehe
-Philippians 4:13-