Hi guys,
Welcome back to my blog! Kumusta po kayo? Ngayon lang po ulit naka pagblog gawa po nang busy dito sa bahay. For today guys i will shared with you my very own recipe of "Tortang Pork Giniling".
Tortang pork giniling ay isa sa lutuing ulam naming mga pilipino. Gawa po ito sa pinaghalong halong mga sangkap na may gulay. Higit sa lahat simpleng lutuin at madali lamang ang paraan ng pagluluto nito at syempre hindi mahirap mahanap ang mga kailangan ipanghahalong ingredients. Kasi sigurado meron tayo nito jan sa ating mga ref o kusina. Sana po inyong magustuhan at masubukan sa inyong mga kusina na lutuin.
Tortang pork Giniling
Narito po ang ilang mga sangkap na aking gagamitin sa pagluto.
Ingredients:
200grms pork giniling
1 teaspoon rock salt
2 tablespoon fish sauce
2 pc sweet potato (cut into small square)
1 pc potato (cut into small square)
1 pc carrot (cut into small square)
2 pcs red onion (chopped)
4 pcs cloves garlic (chopped)
3 pcs green chili removed the seeds (chopped)
2 tablespoon oil
Black pepper powder
Pork giniling
Mga hiniwang sangkap, garlic, onion, sweet potato, carrots, potato and green chili
For frying we need
3 tablespoon cornstarch
5pcs eggs
Cooking oil
Cooking Procedure:
Step 1
Ilagay ang dalawang kutsara sa kawaling paglulutuan. Painitin ito at igisa ang bawang, sibuyas at ang pork giniling. Lagyan ng asin at paminta. Haluin at pakatapos takpan. Lutuin ng mga 5 minuto.
Idagdag ang mga hiniwang gulay, sweet potato, carrots, potato at green chili. Taktakan ng pamintang powder at timplahan ng 2 tablespoon fish sauce or patis. Haluin at takpan muli lutuin ng mga 5 minuto hanggang sa lumambot ang mga hinalong gulay.
- Kapag luto na tanggalin sa pinaglutuang kawali at palamigin ng mga ilang minuto. Kapag malamig na ito pwede nang pritohin.
Step 2
Paghaluin ang itlog, cornstarch at ang nilutong giniling na may gulay. Haluing mabuti hanggang sa maabsorb na nang ingredients ang itog at cornstarch.
Mag lagay ng mga 1/2 cup ng oil sa kawali painitin ito.
ilagay na ang gagawing torta or yung pork giniling na may mga sangkap. Pritohin hanggang sa maging brown at maging crispy.
- Then serve with ketchup and chili sauce.
Happy Eating and Enjoy the dish! See you on my next blog... Babush!
And also guys please follow and continue to support kuya terry or us our voting witness!
Write: and other witnesses
https://steemit.com/~witnesses