Nasubukan mu nabang magtinda sa kalye at tumakbo dahil may huli ng mga tinda sa kalye ? at masunog ang balat sa init ng araw ?
Ipinagmamalaki kong akoy isang tindera sa palengke mula ng bata pa akoy nagtitinda.Gulay at pagkain at kung ano ano pa sa pang araw araw sa barya ay mabubuhay na.
Hindi ako mahihiya sa aking pagtitinda pagkat sa gawain malinis ang kinikita.Marumi kong kamay sa mga gulay na tinitinda,marumi na barya ngunit malinis ang dangal ng isang tindera.
Akoy magaling magtinda sigaw dito, sigaw doon "Bili na po kayo Mura lang " upang maubos paninda pag uwi sa bahay ligaya sa mga anak pancit at tinapay ang dala.Gulay mula sa bukid tutulungan si lola sa siyudad ititinda pag uwi namin may bigas ng dala.
Masaya ang pagtitinda habulin man kami ng pulis dahil sa kalsada daw kami ay abala.Huwag ka lang pahuhuli para di mapurnada ang tinda tumakbo kang mabilis buhatin ang tinda upang bukas ay may pangtinda pa.
Umalat umaraw akoy nagtitinda kasangga'y munti kong payong kung dala huwag ng isipin ang ulan at araw bastat dumami ang barya kumakalansing sa bulsa napangiti sa saya.
Paninday samut sari mula sa isda,gulay,ice candy at mais sa palengke dinadala di makabayad ng puwesto kayat sa kalye ilalatag ang tinda.At kapag matumal ilako ang tinda huwag ng magreklamu kahit mabigat ang dala.
Sa tuwing araw ng pasko masarap ang magtinda at mas patok ang barya.Kayat kahit kailan pagtitinda ay di makakakimutan kahit ngayon o bukas akoy isabak sa pagtitinda sa kalye akoy di mahihiya.
Pagkat ang tangi kong puhunan "Makapal kong Pagmumukha "
ang larawan ay akin at kredito mula sa pixabay