Sa bawat nangyayari, Paano ang katumbas na tanung
Sa bawat sakit nararamdaman, bakit ako at hindi sya ang tanung na lumalabas sa aking bibig
Sa bawat pagkatalo sa mga magsubok, ikaw o sya ang dapat na sisihin.
Sa bawat sugat na nararanasan, ang katumbas ng peklat na ito ay ikaw.
Paano kaya kung hindi ikaw ang pinili kong tadhana noon.
Ganito parin kaya ang buhay ko ngayon.
Paano kaya kung hindi kita nakilala
Mas masaya kaya ako ngayon?
Ngunit hindi!
Hindi ito ang tamang salita,
Hindi paano at hindi bakit.
Kundi...
Salamat! Masaya akong naging kasama kita sa aking paglalakbay
Please upvote!
Comment !
resteem!
and don't forget to follow!
Thank you!