una palang ay alam ko na,
ngunit di ako nag alinlangan na mahalin ka.
marami na ang nagdaan,
ngunit sa iyo ay iba ang aking naramdaman.
may kislap sa iyong mga mata,
mga ngiti mo`y nakakatuwa.
napakagaan ng aking nadarama,
sa tuwing ikaw ang aking kasama.
lungkot ng aking nakaraan ay nawawala,
dahil andyan ka para araw ko`y mapasigla.
ngunit ito'y bigla nalang mawawala,
sapagkat ito lamang ay panandaliang saya.
hindi ko maisip na sa maikling panahon ng ating pagsasama,
ako ay masasaktan at mga luha`y patuloy na dadaloy sa aking mga mata.
oo mahirap tanggapin,
na ako`y naging isang alipin.
alipin ng sarili kong puso na hangad lang ay mahalin,
pagmamahal na ibig lamang pala akong paluhain.