Iba't ibang klase ng daan ang ating tinatahak araw-araw.Dito sa tinitirahan ko ay masyado ng malala ang trapiko sa paligid kaya't maaari ring mahuhuli ang pagdating ng tagumpay sa aking buhay.
Kaya't hindi pwedeng tatamad-tamad at dapat hindi magpahuli.
Pero may mga daan din na masyadong mataas at malahagdan-hagdan na ang ibig sabihin nito ay kailangang magsakripisyo upang makarating sa patutunguhan.
Katulad nalang nito.
Kahit gaano kalayo ang lalakbayin kung may tiwala ka na may nakaabang na magandang surpresa sa itaas ay ibig mo itong susugurin upang makamit ang minimithing inaasam-asam.
Alam natin na sa dulo ng ating paglalakbay ay may laging nakaabang upang tumulong sa atin. Na sa lahat ng daan ay kaya natin itong lagpasan na may tiwala sa sarili at takot sa diyos.
Iyon lamang po sa ngayon mga ka .
Linggo:
https://steemit.com/steemitdora/@wittyjov24/paglalakbay-patungo-sa-dako-paroon-araw-ng-linggo-gandang-hindi-mo-inakala-134757459575
Bagong yugto:
https://steemit.com/steemitdora/@steemitdora/paglalakbay-patungo-sa-dako-pa-roon-ang-bagong-yugto-e209802b38466