Simula ng dumating lahat nagbago,
Nagbago ang takbo ng ating buhay,
Kalaban natin ay hindi makikita,
Kailangan magingat sa lahat ng oras.
Lahat ng oras ay ating pahalagahan,
Bawat galaw natin ay ating pag inggatan,
Hindi natin hawak ang mga oras,
Baka mamaya,bukas ay tayo'y mawala.
Ngunit wag tayo'ng susuko,
Panalangin at wag mawalan ng pag-asa.
Sana bukas maayos na ang mundong ating ginagalawan.