Pagkat alam ko naman mahirap na ikaw ay mapasaakin,
Na ako'y hangang tingin at bulong na lang sa hangin,
Alam kong talagang malabo na maging tayo, sapagkat ang agwat natin ay sobrang layo.
Ika'y langit at ako naman ay lupa, ang layo ng pagitan, ilang metro ang sukatan,
Hanggang tingala na lang ba ang tulad ko sa isang tulad mo?
Pero sa bawat saya may lungkot na nadarama,
Sa bawat tama naman ay may mali,
Sa bawat oo may hindi, sa bawat tawa may iyak,
Sa bawat hanganan may dulo,
Sa bawat sugat ay may lunas,
Pero isa lang naman talaga ang gusto ko, pwedi bang sa bawat IKAW may AKO?
Please follow and support our very own ,
and also
. VOTE
as your witness!