
Mapagpalang gabi po sa lahat! Bago ang lahat, nais po naming batiin ng "Maligayang Araw ng mga Ama" sa buong mundo! Sana po ay mas maging matatag at malakas pa po kayo para sa pagmamahal at pagpo-protekta ng inyong mga Pamilya! Mabuhay po kayo!
Ngayon po ay araw ng Linggo at ito rin po ang araw na tayo ay mamimili ng 3 akda na gawa sa Filipino. Narito po ang aming 3 akdang napili mula sa ika-11 hanggang sa ika-17 ng alas dose ng tanghali ngayong Hunyo.
https://steemitimages.com/0x0/https://gateway.ipfs.io/ipfs/Qmdk2hJEGucnJDzS94dYKJmUV52XH8DBLptJfr3Bt3P45N
center>
PAMAGAT: Ang Paborito kong Alaala
Ito ay ala-ala Ni
Hive account@beyonddisability noong siya ay bata pa. Nandiyan ang mga paborito niyang palabas, pagligo sa ulan ng nakahubad, paglalaro ng baraha ng Pekwa at ang pinaka di niya malilimutan ay ang alalahanin pa rin ang kaniyang Ina noong siya ay nag-aaral pa. Ito ang laging nagpapalakas ng kaniyang loob sa tuwing siya ay hindi nagagalak sa kinalalabasan ng kaniyang mga ginagawa lalo na noong siya ay estudyante pa. Isa talaga sa hindi mawawala ang ala-ala ng mga magulang sa tuwing magbabalik tanaw...
https://steemitimages.com/0x0/https://gateway.ipfs.io/ipfs/Qmdk2hJEGucnJDzS94dYKJmUV52XH8DBLptJfr3Bt3P45N
center>
PAMAGAT: Ang Nakatagong Mensahe sa Homily ni Father Rey
Ayon sa aming pagbabasa ng akdang ito Ni
Hive account@johnpd ay may kinalaman sa akda niyang noon ay kaniyang isinulat. Ito ay tungkol kay Father Rey. Bawat buka ng kaniyang bibig na sinasambit ang kaniyang panalangin habang magsasagawa ng eksorsismo ay tila may mga kahulugan o nilalaman ang mga binibitawang salita Ni Father. May nakatago raw ritong mensahe sa Homily" Ni Father Rey... Alam ko na sa bawat linya nito ay nagpapahiwatig at sinasabing "magpakatatag ka"... Ang sarap basahin! Parang mga Bibliya Bersikulo.
https://steemitimages.com/0x0/https://gateway.ipfs.io/ipfs/Qmdk2hJEGucnJDzS94dYKJmUV52XH8DBLptJfr3Bt3P45N
center>
PAMAGAT: Ang Paborito kong Alaala | "Naaalala Ko Pa..."
Ang akdang ito Ni
Hive account@julie26 ay tungkol sa kaniyang kabataan. Ibinahagi niya rito ang kaniyang paboritong laruang papel at kanilang mga nilalaro tulad ng Piko at Patintero. Napakasaya nga naman ang larong ito na kaniyang ibinahagi. Nakakalungkot lang sa panahon ngayon na puro teknolohiya na ang nilalaro ng mga kabataan ngayon, hindi katulad noon na ganito ang mga laro. Masaya talagang balikan ang mga panahong tulad nito!
https://steemitimages.com/0x0/https://gateway.ipfs.io/ipfs/Qmdk2hJEGucnJDzS94dYKJmUV52XH8DBLptJfr3Bt3P45N
center>
Ito ang aming mga napili para sa araw na ito. Ito ay bahagi ng ating pagkilala sa mga gumagawa ng akda sa Filipino. Malugod naming inaanyayahan ang marami upang gumawa ng kanilang mga akda sa ating sariling wika. Muli, kami po ay nagpapasalamat sa inyong lahat. Hanggang sa susunod na edisyon! Maraming salamat!
https://steemitimages.com/0x0/https://cdn.steemitimages.com/0x0/https://gateway.ipfs.io/ipfs/QmbpRQ8yk3NgiVkzQATtJFQhYJ1nowygYibKchrWx7gnaf
https://steemitimages.com/0x0/https://cdn.steemitimages.com/0x0/https://gateway.ipfs.io/ipfs/QmewXo96nbi7UkQSTVvCfHkGcRZdECqsatYfCZoemioR7H
To cast your votes, just go to
https://steemit.com/~witnesses