Kabayan, naka bisita ka na ba sa Steemit Philippines - Steemph Discord server?
Kung hindi pa, aba eh ano pang hinihintay mo? Join na!
I click mo lang ang picture na ito 👇para maka-access ka sa mundo ng isang libo't isang saya!
Bakit pala?
Isa sa mga lagi kong sinasabi sa mga kaibigan at kakilala na bago sa steemit, bukod sa paggawa ng mga bibong content, ay magjoin sila sa discord. Unang-unang server na pupuntahan ay ang steemit philippines-@steemph server. Marami pang ibang servers na pwede salihan, pero make this your home, kumbaga.
Dito sa steemit ocean, mas magandang lumangoy tayong mga minnows ng sama-sama. Bilang ito ay isa ring social media platform, hindi ka lang dapat basta sulat ng sulat, post ng post. "Join a community" ika nga. At anong pinaka-magandang community na salihan kundi ang grupo ng mga kapwa natin Pinoy, hindi ba?
Anong meron sa Steemit Philippines Discord?
- Mahigit isang libong Pinoy na magwe-welcome sa iyo. Ang dami ano?! Nakakatuwang lumalawak ang nararating ng steemph hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Wag kang mag-alala kung hindi ka sanay makipagsabayan sa maraming taong nag-uusap. Maraming mga channels sa loob kung saan pwede kang mag-umpisa ng kwentuhan. (Pero mas masaya pa rin siyempre sa #general.)
- May mga pa-contest din. Para dagdag saya, nagho-host ang mga admins ng mga contests at games sa loob ng server. Nitong nakaraang linggo lang, nag-host si
, isa sa mga admin ng week-long treasure hunt games para sa 1,000 members ng steemph discord! Nakigulo ako sa pinoy henyo nung isang araw at nanalo ng 3SBD. PS - hindi po ako ang winner, naka 1 point lang po ako. Haha.

- Newbie ka? May mga tanong ka? Maraming tutulong sa iyo. Wag mahiya magtanong kung may mga bagay na hindi maliwanag sa iyo tungkol sa steemit. Maraming mababait na steemians na makakatulong sa iyo, bukod pa ang mga useful posts na naka-pin na sa #guidebook channel. Meron pang AMA (Ask Me Anything) na hosted ng mga witnesses at admins. Abangan lang ang announcement kung kelan ang AMA, at wag magpahuli.
O paano? Join na!
Marami pang mga pangyayari sa loob ng server. Halika na, wag magpahuli sa mga latest sa steemit at sa mga events na ginaganap malapit sa iyo tungkol sa steemit.
Kita- kits sa ating tahanan!

Have you voted your witness?
Consider casting your witness votes for (
),
,
,
and
who have been adding invaluable contribution to the community.
To cast your votes, just go to
https://steemit.com/~witnesses