" BARYA "
Aking kinagisnan nuong ako'y bata pa;
Mga katagang buhat sa aking Ama at Ina;
Levy, ika'y maging masinop;
At ugaliing mag-ipon, para bukas may madukot ka.
Pagdaan ng panahon, aking nakalimutan at nawaglit sa aking isipan;
Ang bilin ni Ama na sa akin ay iniwan;
Sa kadahilanan na napakasarap mamuhay sa karangyaan;
Kanyang mga payo ay aking iniwan.
Barya, kung sila ay ituring;
Hindi alintana na ito pala ay mahalaga mandin;
Hindi ko pinahalagahan ang payo ni Ina;
Luho sa katawan ay niyakap ko na.
Pilit itinuwid lahat para kay Ama't Ina at sa aking bagong pamilya;
Kayod sa trabaho tuwing umaga para sa kanila;
Pagdating ng dapit hapon, aking napuna;
Wala na sa aking natira kundi ang mga BARYA.
Ito po ay aking munting likha para sa patimpalak na binuo ng . Isa na rin po itong maituturing na maliit na handog at suporta mula sa inyong abang lingkod. Nawa ay maibigan ninyo at kapulutan ng aral.