
Photo Source
Mahirap umibig, masaktan ka lang. Ibinigay mo na lahat, meron pa ring kulang.
Sa pag - iibigang nagkakaroon ng hadlang, puso't isipan di isinaalang - alang.
Talaga namang mahirap magmahal, lahat gagawin, lahat isusugal.
Pagsusuyuan biglang bumagal, hangga't ang bawat isa'y naging pagal
At kapag lahat ay nasaktan, babagsak ang luha, malakas pa sa ulan.
Ang pusong durog na siyang inilaan, hinanakit at galit ganti sa sinuman.
Buksan muli itong puso mo, huwag matakot, magpakatotoo.
Pagka't may dahilan ang bawat pagkabigo
Bagong gamot Lunas sa Puso.
Sana'y magustuhan niyo :)

