Ang pinakamahalagang pagkain sa buong maghapon. Ang almusal. Dapat ito ay punong puno ng sustansiya para maging maganda ang iyong araw.
Napagtanto ko na wala naman palang ipinagkaiba ang tosilog ng hotel sa tosilog doon sa tapsihan sa kanto. Mas mahal lang talaga yung sa hotel. Libre lang naman ito kaya di na ako magrereklamo.
Kung ikaw ay tipikal na pinoy, hjnding hindi mawawala ang pan de sal sa iyong almusal.
Ang isa diyan ay may halagang apat na piso. Ang isa ay dos. Hulaan mo kung alin ang alin.
Pero kung pampagising na rin lang ang kailangan mo at nagmamadali ka, ngumata ka na lamang ng tsokolate.
Yung dark para may pait. Nakakagising naman din talaga ang pait.
Ito ang ikasampung araw ng Tatlumpong araw ng potograpiya: Isang Hamon
Maraming salamat sa pagbabasa!
Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si at makigulo sa Tambayan
Sundan din ang at tayo ay magkulitan sa Discord