Inspiration/Inspirasyon
I feel lucky to have been born in the early 80's. Growing up in the late 80's until the mid-90's in the Philippines, not a lot of homes had access to computer games, much less internet connection. Our games to pass the time as kids were mostly done outside and are quite physical too. I hardly see the games of our age being played, if anything they are being studied in Physical Education classes. I don't know about you but games are much more fun being played than being read about. This series of poetry written in our vernacular is aimed at immortalizing my fond memories playing the many Filipino games of our age.
Mapalad akong ipinanganak nang dekada otsenta.
Habang lumalaki sa huling bahagi ng 80's hangang kalagitnaan ng 90's sa Pilipinas, bibihira lamang ang may laro sa computer o keneksyon sa internet.
Ang aming mga laro ay karaniwang sa labas at pisikal. Bibihira ko nang makitang nilalaro ang mga ito, karaniwan na lang pinagaaralan sa klase.
Ang mga larong ito ay mas masayang laruin kaysa pagaralan mula sa mga aklat. Ang seryeng ito ng mga tulang isinulat ko sa wikang Filipino ay naglalayong panatiliing buhay ang masasaya kong alaala tungkol sa mga larong Pilipino ng aming panahon.
Piko - Larong Pilipino
Gamit ang piraso ng pasong basag na.
Pinutol na sanga kung sa lupa naman,
Diinan ang marka upang di mabura.
Ihagis sa guhit ng ika'y mauna.
Kumandirit, lumakad, at tumalon ka,
Tumapak sa linya at matataya na.
Balik sa simula pagkatapos nito.
Hanga't may lakas pa tuloy lang ang laro,
Hindi titigilan hangang sa mapalo.
Bahay ng may bahay di pwedeng tapakan,
Lakasan ang lundag at saka laktawan.
Pag nagkatatlo na'y para nang ayawan.
Bubuka ng konti't sadyang mang-iipit.
Ang talunan nama'y susuot sa pundya,
Gumagapang na nga'y pagtatawanan pa.