El Nido, Palawan Philippines 2015.
Wala tayo magagawa kung hindi tanggapin ang masakit na katotohanan. Sadyang ganiyan ang buhay kailangan nang masanay. May mga taong aalis, mayroong tao din na dadating? Saan ka sa dalawa?Siyempre doon sila sa aalis. Wala naman talagang forever kahit nga 5 ever wala naman talaga. Dumaan ang kaarawan ko, tinanong nila ako ano handa ko sa kaarawan ko? "Wala naman akong handa, maliban sa handa na akong mag-move on". Masungit kong sambit sa kanila. Party nang party iyon pala may third party na. Naku po naman. Ngayon lilipad na. Diyos ko po parang pag-ibig ko lang akala ko delay lang, iyon pala cancelled na. Kung laro lang naman ang gusto niyo bakit hindi kayo mag-suot ng mga P.E uniform niyo? Laro ng feelings pala e. Tapos kapag nasa discord naman laging cooldown ok lang naman cooldown kaysa sa cool off. Sana naging lapis na lang ako nang sa gayon buburahin ko ang nakaraan ni kras at isusulat ko ang hinaharap niya. Sabi mo hindi mo ako iiwan, nanay na lang natin ang nagsasabi niyan.
Ano pa huhugutin ko? Tatawarin ko ang dagat makapunta lang sa kanya. Buti pa iyong tour guide kahit pagod hindi ako iniwan, e ikaw hindi ka naman pagod iniwan mo ako. At saka mabuti pa iyong notebook may 90 leaves. Wala na talaga hanggang dito na lang ako, wala talagang forever kahit pa 5 ever. Huwag na kayong umasa kasi masasaktan lang kayo.
Hayop ka! Ang lakas mo mangako
PAHABOL. SABI NILA MAG-MAHAL KA DAW NG TIGA F.E.U HINDI KA IIWANAN AT SASAMAHAN KA SA ORAS NA KAILANGANG KAILANGAN MO SIYA. PAMBIHIRA KUNG TOTOO IYAN E, MALAMANG SA HINDI WALANG PAGTATAKSIL NA MANGYAYARI HAHA. NAG-MAHAL AKO PAREHAS PA NA TIGA F.E.U O ANO NANGYARI HAYUN REST IN PEACE NA SILA.
Ito ang aking akda para sa patimpalak ni Lhyn Hugot