Tuwing sasapit ang araw ng Linggo may tagisan na nangyayari sa SteemPh Discord ito ay ang "Pinoy Henyo" kung saan ang mga kalahok ay mag-tatagisan nang talino. Noong una ako'y nahihiya na mag-sulat sa wikang Tagalog sa hindi ko mawaring dahilan salamat kaibigan boss
at ngayon ako'y nakakapag-sulat na. Sa ganitong paraan ay mas maiidetalye ko nang mas mabuti ang ulat pa-tungkol sa nasabing tagisan.
Ika 10:34 impunto ng gabi nang mapagpasyahan ko na simulan na ang tagisan nang talino, sapagkat gumagabi na at may pasok pa sa trabaho ang mga kalahok bukas. Ito na nga tayo sa unang tanong palang tila hindi na nila masasagot ngunit may isang sumulpot na tila isang ulupong na galing sa kung saan, si
na mahiya mo si madam Auring kung mang-hula, sapantaha ng nakakarami ako'y nag-luluto ng paligsahan pero hindi ako ay patas na tiga paanyaya, akalain niyo hindi naman niya naririnig ang aking tinig pero buo ang loob niya na sinagot ang "kulambo" at hindi lang iyon sa pangalawang tanong madali rin niya kaagad nasagot ang "Misamis Occidental", pero hanggang doon na lang pala ang kaniyang suwerte naubos na suwerte sa Sieko Wallet niya, dahil sa hanggang matapos ay napako na lang siya sa Dalawang puntos mantakin mo naka Dalawang puntos agad si Mr. Sabik sa sandaling oras. Lumipas pa ang ilang sandali, sa wakas sumagot na ng putok si manong
at siyempre hindi padadaig ang kanyang sinisinta na si
, gumanti siya ng sagot "dearjyoce" , ang ating isponsor sa naturang gabi o ngayong Lingo. Hindi papatalo siyempre ang mapagmahal na si boss
sa pag-tugon ng "oyster sauce", sa isang banda naisip ng aking kababayan nasi
na hindi mag-patalo at kailangan din niya mag-tala ng puntos, mga kaibigan gumanti nanaman po ng putok si manong
at sumagot ang kanyang sinisinta na si
.
May bagong salta nga pala mga kaibigan ipapakilala ko nga pala si boss
na nag-mula sa siyudad ng Cagayan De Oro lalawigan ng Misamis Oriental. Kasabay pa nito ang pag-dating ni boss manager mem
, habang nag-tatagisan ng talino ang mga kalahok bigla na lamang nag-salita itong si Carlos Jane
na may mala anghel na tinig, nagulat ang marami na siya pala ay isang bibini. Iyon ay wala sa kanilang kalkulasyon sapagkat ang kanyang litrato o larawan sa Discord ay isang ginoo! Ang nag-tatago pala sa mala espanyol na ginoo na iyon ay may tinig ng isang nag-susumamong anghel, hindi batid ng nakakarami na ang nasabing larawan ay si Carlos pala ang iniirog ni Jane. Kasunod nito ang pag-sulpot naman ng ating seaman na si
naka tatlong dikit dikit na sagot siya mga kaibigan, pero bago pa man iyon halos lahat sila ay nagtaka sa tanong na "kulig" ipinaliwanag ko pa kay ginoong Labgo na ang kulig ay maliit na baboy mas maliit pa sa biik, parang bagong silang na baboy lang o mas malaki ng bahagya, pagka-tapos ay ibinigay ko ang mikropono kay mem
nang sa gayon ay maipahayag niya ang importanteng mensahe, ayon pa sa kanya may mahalagang piging na mangyayari sa ika 12 ng Mayo sa Luneta Park Maynila. Kung ang nais ay eksaktong impormasyon marahan lamang na inyong kausapin si mem Abi, sabay bati sa'kin ng butihin na asawa ni Abi na si
, siyempre tinugunan ko ang pag-unlak niya at doon nag-tatapos ang talumpati ni Abi. Nagkamali pala ako naitantos ko kay boss Iyan ang isang puntos aminado po ako na ako'y nagkamali, bagamat bokya pa rin ang iba at wala pang tantos hindi ito naging hadlang para sila ay mawalan ng determinasyon sa pakikipag tagisan, napaka daming angal nang angal pero ni minsan di ko narining na umangal si kaibigang
kahit siya pa ay tiga Cebu, aniya "gusto ko din pa minsan minsan na makarinig ng mga salita na hindi ko pa naririnig at nahihiya rin ako magkamali sapagkat ang tawa mo boss ay ubod ng gara". Salamat kaibigan bagamat hindi mo natantusan ang pisara, taas noo mo naman sinasagot ang mga katanungan. Ika nga ni Bamboo "hanggat ako'y humihinga may pag-asa pa" ipanapakita lamang nito na kahit dehado ang mga tiga Visayas at Mindanao hindi sila nawawalan ng pag-asa. Sa huling katanungan na "kulangot" ay para bang nag-bubunyi agad tila narating na niya ang rurok ng tagumpay dali daling niyang binigkas ang salitang kulangot at doon nag-tatapos ang tagisan ng mga talino, "for the win" ika nga ni manong
sa wikang Ingles. "Paanas niyang wika sa kanyang sarili". Ang mga katanungan ay ibinase ko sa buhay ng ating isponsor na si
hindi naman lahat pero halos lahat. Matatapos ba naman ang Pinoy Henyo kung walang pangungutya? Siyempre hindi sa pangunguna ni
sabay sunod sunod na namwiset ang mga kalahok haha ang saya saya. Mawawala rin ba ang videoke session pagka-tapos ng Pinoy Henyo siyempre hindi rin a, dati ako madalas maiwan mag-isa ngayon ay hindi na kasama ko na sina
kahit na hindi na nakakasama si She She ngayon dahil siya ay sobrang abala nag-tungo parin siya doon at batiin ang nanalo na si manong Oscar.
Maraming salamat sa inyong lahat. Maraming salamat
sa kabutihan mo at sa lahat lahat nang bumubuo ng Pinon Henyo na sina
"ang nagtatag ng Pinoy Henyo sa Discord" , ang mag-asawang
at
. Siyempre mawawala ba sina
at
(paki boto siya bilang saksi o testigo o witness kung ano man ang gusto niyong itawag) iyon ay kung hindi pa kayo nakaka-boto. Narito ang talaan ng mga naka-tanggap ng premyo mula kay
. Maski singko po ay walang napunta sa'kin, maliban doon sa isang tao na biglang nawala agad, pero ang natirang 0.10 ay isasama sa susunod na lingo pandagdag pa premyo.
.
.
.
.
Tars 2 Manong 5 Levi 2 Iyan 2 Lhey 3 Virgo 4 Joyce 1 Carlos Jane 0 Jemzem 0 Labgo 0 Ana 0
- kulambo
- Misamis Occidental
- bota
- Dearjyoce
- oyster sauce
- sampayan
- palayok
- Batangas
- kulig
- compass
- payong
- balisong
- labaha
- Divine Mercy Shrine
- butiki
- sakong
- kulangot
- Claudine Barreto
- kapilya
- kawayan
- tabo
- pulbura
- pintura
- asoge
- guya
- yero
- Limasawa Southern Leyte
- tandang
- okra
- Santa Maria Bulacan
- popcorn